Matagumpay at Maligayang Pagtatapos
Salutation to all Guests
of Honor, FES Principal and Faculty, Parents and Friends
At ngayon ang tampok ng pagdiriwang na ito kayo mga
minamahal naming kamag-aaral na magsisipagtapos sa Paaralang Barangay Frances. Sa simula pa lamang ay taos puso ang aming pagbati. .
. Magandang Araw!
Nakikihati kami sa di malirip na saya at maalab na kasiyahan na nadarama
ng inyong mga magulang, guro at kamag-aaral..
Kasabay ng aming ngiti sa labi ang katagang nais naming ihandog sa
inyo. . . PAGHANGA! Nais naming ipagmalaki sa lahat ang inyong
KAKAYANAN. Sapagkat batid ng lahat na ang ang pagtatapos ninyo sa ikaanim na
baitang ay sumibol na mula sa adhikaing ipininunla sa murang
isipan, pinagyabong ng kalinangan at bagong kaalaman sa tulong ng mga
libro at guro sa bawat baitang. At ngayon ay inaani ninyo ang bunga ng
tagumpay na dinilig pagtiis at pagsusumikap. Kaya muli ninyong tanggapin ang
aming taos pusong pagbati at paghanga sa inyong narating.
Humahanga kami lalu sa inyo na nais magpatuloy sa pagtahak ng
bagong kaalaman. Kaya ang payo naming muli ay MAGPATULOY nawa ang inyong pag
saliksik sa inyong nakalaang mas IBAYONG TAGUMPAY.
Ang TAGUMPAY ay isang PANGARAP, na nagiging ADHIKAIN habang tinatahak ito. Ito
ay nasusukat sa lamang sa dami ng nalampasang balakid at PAGSUBOK ng
isang tao. Ito rin ang nagiging taluntunan sa mas magandang kinabukasan.
Batid namin na sa bawat yugto ng buhay ay mag pagsubok. Payo namin nawa’y
gamitin ninyo ang pagsabok ng na ito sa PAGLAGO NG KARANASAN, ang balakid
tunghaying OPURTUNIDAD at daan sa katuparan ng pangarap at
naghihintay na tagumpay.
Ang bawat tagumpay din ay may dapat kaagapay na MALAKING
PAGTITIWALA. Buong pusong paggtitiwala sa Diyos, sariling kakayanan at
kahinaan. Lahat ng tao sa mundo ay may kakayanang maging dakila. Ito ay
itinanim ng Maykapal sa ating mga puso. Gaya nina Martin Luther King, naging
Ama ng paglaya para sa lahing itim o kaya’y si Rosa Parks, dahil sa di pagsunod
na maupo sa dulo ng bus ay nag udyok ng patas na pagturing sa mga taong
may kaibang kulay. Ilang halimbawa lamang ng mga dakilang tao. Sa kanila
nakita na tunay pagtitiwala sa Diyos at sa sarili. Sapagkat kanilang
natanaw pangarap bago pa man ito ay maging katuparan . Maging sa huli,
sila’y lubos na nanangan sa kanilang pagtitiwala sa Diyos at sarili.. Kaya
kukupkupin ng inyong mga puso ang busilak na pagtitiwala. Nasa bawat isa
kung paano ito, lalago at magbubunga. Ang alam namin, kapag dinagdagan ng
kahinahunan, pagtitiis at pagdiskubre ng mga talento ang lahat ng ito’y
maisasakatuparan.
Kaya muli ang aming pahuling hatid ay PAGBATI, sapagkat
nababanaag na namin ang ibayong TAGUMPAY ng inyong mga
PANGARAP sa masigasig na pagtahak ng ADHIKAIN, at buong pusong
PAGTITIWALA. Muli pagbati at paghanga!

THE GRADUATES 2006-2007
(Please click this link to view pictures)

Home :: Yahoo Brgy Frances Group :: CALUMPIT-E-CONNECT
Copyright 2004, Brgy Frances Group®. All rights reserved.
Please send updates and photos to the webmaster.